Antukin...
Jessa. 16. Former Rocesian. PUP MLA. 5th Floor North Wing.
Unknown production presents …. Katorse. Hahahahaha!

Unknown production presents …. Katorse. Hahahahaha!

Friday, March 21, 2014

jaaasmeyn:

Dean lang pala ng Accountancy ang kelangan para manahimik kami ng panandalian. Grabe, kala namin matutupad na yung pangarap naming maguidance. Pero simula kanina, ayoko na yun pangarapin pa. Kasi kanina, pagkatapos namin magbabuyan sa sarili gamit ang sago ng milktea, naglaro kami ng uno cards. Tuwang tuwa pa kami nun. Tapos may dumaan na guard. Sinita kami, sabi niya “ano yan? May pera pera ba yan?” sumagot naman kami ng wala po. Eh wala naman talaga. Hampasan lang kapag natalo mga genern. Edi kami tuloy padin kasi pwede naman pala. Hindi kinumpiska ng guard yung Uno. Sumunod naman yung prof namin sa Acco. Na dumaan. Di naman kami natakot kasi mabait naman yun. Dinaldal lang niya kami para sa finals sa Wednesday. Pag alis niya, party party ulit kas si Chriza ang hyper talaga. Nasa dome kami nun malapit sa office ng dean ng Accountancy. Oh diba. Ang lakas ng loob namin at malapit pa dun naglaro. Maya maya tameme level 66 kami ng kaklase ko kasi papalapit si ma’am Sarmiento sa pwesto namin. Sabi pa ni Jessa “wala na.” aba naman. Nanghinayang pa sa cards ang lola mo. Di manlang kinabahan kasi dean na yun e. Nung paghinto niya sa harap namin, sabay ng pagkabog ng dibdib ko biglang nag bilang ng “1 2 3 4 5 6 7” na tinuturo kami. Grabeng kaba yun. Muntik na bumaliktad puso ko. Dinadampot niya yung cards sabay sabi ko ng “ma’am, wala naman pong money involve.” Sabay bitaw niya sa cards at balik sa office. Akala namin katapusan na ng buhay namin sa 5th floor. Akala namin kasunod ng 1234567 ang katagang “Go to my office” pero buti nalang mabait pa rin ang tadhana.

HIndi ko na kase alam gagawin ko kaya yun nalang sguro nasabi ko. Pag naalala ko to natatawa nalang ako. Hahaha. Akala ko siya sisira ng pangarap naten si Gemma pa pala ang dahilan :3 Ge. 

Wednesday, March 19, 2014

DROP o SINGKO

Nang dahil sa College Algebra masisira ang pangarap ng buong block namin. Tanggap ko pa na natanggal ako ng dahil sa hindi pumasa sa SQE ng Acctng. kesa naman sa natanggal ako dahil sa Algebra hindi namin siya Major pero nagfeeling siya. Di naman kami bobo para ibagsak niya ng ganun. kahit papano naman nakakapasa kami sa mga binibigay niyang exams. Biruin mo dalawa lang pumasa samin, nasan ang hustisya? Hindi niya man lang kami binigyan ng isa pang chance na magremoval dahilan nya bakit pa daw siya nagbigay ng mga exams kung sa isang exam lang e mawawala lahat? Wala siyang konsiderasyon.

Sa ngayon pinaguusapan namin kung anong course kami magsi-shift next year. Yung iba naman, ico-continue yung Accountancy sa ibang school. Yung iba ayaw na mag-aral, magaasawa nalang. Jk. Basta yon. Ang hirap, nakakadepress, minsan di ko namamalayan nakatulala nalang ako. Ewan. Haha. Shift na ko next year, mag Arki o IE nalang ako. Magpapaka GC na uli ako gaya nung gawain ko nung High School. Ge.

Friday, March 14, 2014

Magreview man ako o hindi, bumabagsak pa rin ako.

Buhay College :(

Thursday, March 6, 2014

Saan ba nakakabili ng realidad? Bibilhin ko kahit magkano pa yan.

Monday, March 3, 2014
"Minsan kase tayo nalang nananakit satin e. Tayo yung umaasa. Tayo yung nagbibigay tsansa sa bagay na wala naman talaga."
Sunday, March 2, 2014
Tropa Babies :) Eto yung araw na bangag bangag kame, walang tulog kasi kakagaling lang sa UP Fair. Di naman halata sa itsura namin diba? Maliban nalang kay Maydel. Hahahaha!

Tropa Babies :) Eto yung araw na bangag bangag kame, walang tulog kasi kakagaling lang sa UP Fair. Di naman halata sa itsura namin diba? Maliban nalang kay Maydel. Hahahaha!

Friday, February 28, 2014

T U M B L R

Takbuhan ko sa mga oras na malungkot, kinikilig, naiinis, nagagalit, lumalandi, nagdadalamhati, at masaya ako.

Buhay College.

Kung maaga lang sana natapos yung open forum namin edi sana di na ko nagpuyat. Biruin mo 5pm to 9pm OPEN FORUM. Pero okay naman din kasi atleast ngayon nagkaayos ayos na kami. Sana lang. Haha. 6:30 dapat nasa school na ko kase reporting namin sa Psych. Kinakabahan ako, palaging kasing soplak sa Prof. namin yung mga reporters. Ewan ko ba ang psychotic talaga. So mga 30 mins. nalang ata ako iidlip para lang makapagpahinga. Whooooo. Wala pa kong matinong tulog kung bibilangin yung oras nakaka 4 hours of sleep out 48 hours palang ako <///3 This is heartbreaking. Tapos reporting ko uli bukas sa Marketing. WOW. Matapos lang talaga ‘tong reporting na ‘to. Nako. Alamna mag-aaral naman ako sa Akawnting, nahuhuli na e :3

Thursday, February 27, 2014

No hate just love.

Eto na naman ako. Ang dali dali dali ko talagang ma-attached kaya nasasaktan ng sobra. Natatakot ako na baka mangyari uli saken yung nangyari nung 4th year ako yung tipong nafall na ko tapos malalaman ko na may gerlpren na pala. Ge. Push ko to. Kras lang muna. Kras lang Jissa Okay? Ge, magharot ka muna dyan. hahaha! Ang gulo ko ang sarap kong iuntog sa pader para matauhan. Sabi ko kay Mela pag nangyari uli yon iti-text ko siya, pupuntahan niya ko sa room at alam niya na gagawin saken. Haha. Ilalaglag sa 5th floor mga ganern XD
 
1 of 259
Ang nakaraan
 
Tumblr Mouse Cursors